‘Top-to-bottom’ investigation sa mga BuCor personnels, isinusulong ng isang Senador

Kinalampag ni Senador Raffy Tulfo ang mga otoridad para magkaroon ng masusing imbestigasyon hindi lamang sa mga person deprived of liberty o PDLs sa New Bilibid Prison, kundi gayun din sa mismong mga opisyal ng Bureau of Corrections.

Ito ang naging panawagan ng Senador matapos pa rin ang pagkamatay ng sinasabing middleman sa Percy Lapid slay case kung saan, nagkaroon pa ng access sa cellphone ang isa mga inmate sa loob.

Ayon kay Tulfo, maliban sa pagsasagawa ng regular na inspeksyon sa mga kubol ng mga PDLs, dapat maging sa mga opisina rin ng BuCor officials ay magkaroon dn ng regular search.

Giit niya, hindi naman daw makapapasok sa loob ng Bilibid ang mga kontrabando katulad ng cellphones at iligal na droga kung wala namang sabwatan na nangyayari.

Iminungkahi rin ni Tulfo ang pagkakaroon ng ‘lifestyle check’ sa mga kawani ng BuCor para matukoy at mahinto na ang malawakang kurapsyon sa national penitentiary.

Samantala, sinabi naman ni Senadora Risa Hontiveros na sa oras na matapos na ang imbestigasyon ng PNP at NBI sa kaso ng pagpaslang kay Lapid, dapat ay magkaroon din ng hiwalay na Senate inquiry hinggil sa insidente.

Bago ito, una nang sinabi ni Senate Committee on Public Order chairperson Bato dela Rosa na bukas ang kanyang panel na imbestigahan ang krimen na nagsanga-sanga na sa iba’t ibang isyu.

Aniya, sa pagbuubkas ng sesyon sa Nobyembro ay magtatakda na siya ng schedule para sa pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *