TOPCOP, ibabalik na sa Sorsogon

Malapit nang mag-deploy ng ‘tourist cops’ ang Dept of Tourism Bicol sa iba-t ibang LGUs kasabay ng pag-aaktiba ng Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection o TOPCOP.

Ayon sa director ng DOT-Bicol na si Herbie Aguas, pagkatapos ng Albay ay isusunod na nila ang lalawigan ng Sorsogon.

Dagdag pa nito, aabot sa 60 na pulis ng Albay ang sumailalim na sa tatlong araw na pagsasanay sa TOPCOP.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng pangunahing konsepto sa turismo at pangkalahatang ideya sa mga tauhan ng PNP na itatalaga bilang mga tourist cops.

Sa Sorsogon, magtatalaga ng tourist cops sa mga ‘major tourist destinations’ na kinabibilangan ng bayan ng Donsol Pilar, Matnog, Bulusan, Gubat at Sorsogon City.

Sa Tourism Act of 2009, nakasaad na ‘’ang PNP ay magtatatag ng isang Tourism Security Force na tutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan lalo na sa mga lugar na may mataas na ‘tourism traffic.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *