Tourism activities sa bayan ng Mercedes pinapayagan na muli

CAMARINES NORTE – Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan na bukas na muli ang mga tourist destination at pinapayagan na rin ang lahat ng tourism related activities sa Mercedes, Camarines Norte.

Ito ang inanunsiyo nitong Biyernes sa pamamagitan ng official social media account ng Mercedes Tourism Office matapos ang month- long temporary closure mga tourist destinations and resorts dahil sa banta ng COVID- 19.

Gayunman, nilinaw ng naturang opisina na tanging mga taga Camarines Norte lang ang papayagan at hindi pa pwede ang mga turista mula sa ibang lugar.

Edad 15 anyos hanggang 65 anyos ang pinapayagang magtungo sa mga tourist destination sa naturang bayan at kinakailangan ang certification mula sa barangay na nagsasabing hindi sila PUI o PUM.

Mangyaring makipag ugnayan lamang sa Municipal tourism Office upang magabayan sa mga dapat gawin.

Kung maalala ay ipinatupad ang temporary closure sa lahat ng resort at tourism destination sa naturang bayan  sa buong buwan ng Mayo dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Una nang kinumpirma ng Lokal na Pamahalan na epektibo noong June 1 ay pinapayagan na ang tourism related activities.

Gayunman, kahapon lang nagbigay ng opisyal na anunsiyo ang LGU ukol dito.

Batay sa issuance ng Provincial Incident Management Team patungkol sa mga policies and guidelines sa ilalim ng Modified General Community Quarantine na may petsang May 31, pinapayagang mag operate ang mga food establishments, resorts, recreational facility at mall sa 50 % capacity ng venue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *