Tourist destinations at mga establisimento, dapat na maging handa sa pagdagsa ng mga turista – DOT Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Tourism (DOT) Bicol na 100% nang bukas ang turismo sa bansa dahil sa maluwag na health protocols at wala na ring travel restrictions na ipinatutupad.

Ayon kay DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas, dapat handa na ang mga tourist destination at establishments sa pagdagsa ng mga turista sa kanilang lugar.

Na-evaluate na rin ng ahensya ang kanilang mga accreditations sa mga hotels, resort and restaurants at farm tourism na kung saan 100% nang handa ang mga ito.

Inaasahan din nito na magiging doble ang bilang ng mga turistang darating sa Bicol dahil napakaganda na umano ng panahon ngayong summer season.

Sinabi pa ni Aguas, hindi lang ang mga beaches ang dadagsain ng mga turista ngayon tag-init, kundi maging ang mga festivals sa mga lalawigan o bayan tulad na lamang ng Rodeo sa Masbate City na isa mga dadayuhin sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *