Trabaho ng mga Pinoy sa Morocco, hindi naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol ayon sa isang OFW

Tuloy-tuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng casualty ng 6.8 magnitude na lindol na tumama sa bansang Morocco na kasalukyang halos 3,000 ang nasawi habang 2,500 ang sugatan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Bong Palomar, limang taon ng OFW sa Essaouira sa Morocco na hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyaring insidente at sa kabutihang palad ay malayo ang lugar sa pinakang City kung saan naroroon ang mga nagtatrabahong Pinoy.

Kwento ni Palomar, nagdeklara ng tatlong araw na pagaluluksa ang Bansang Morocco dahil sa insidente kung saan hindi naman naapektuhan ang hanap buhay ng nasa anim na libong mga Pilipino dahil ang pinakang probinsya ng Morocco mismong tinamaan ng lindol.

Una rito, naglabas na ng pahayag si Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja na walang Pinoy na nakasama sa mga nasawi dahil sa malakas na pagyanig sa naturang bansa bagaman patuloy pa rin ang kanilang monitoring.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *