Suportado ng isang senador ang layon ng ilang mga senior citizen na magtrabaho pa rin sa kabila ng kanilang edad sa pamamagitan ng pagsusulong ng isang panukalang batas.
Ang House Bill 8971, na inihain ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo, ay naglalayong obligahin mga pribadong kumpanya at government agencies na may 100 o higit pa na empleyado na mag-empleyo ng isang porsyento mula sa senior citizen sector.
Nangangahulugan ito na kada 100 empleyado at dapat mayroon 1 senior citizen kung saan bibigyan ng mga incentives ang mga kumpanya na tatanggap ng mga senior habang pagmumultahin naman ang hindi tatalima sa kaling maitabas na ang naturang panukala.
Kung maalala naman, naghain rin ang ACT-CIS ng panukalang na nag-uutos sa mga kumpanya sa pribado at gobyerno na tanggapin sa trabaho ang mga persons with disabilities (PWD) na angkop sa kanilang kakayahan.