Tradisyon ng Pabasa ng pasyon buhay na buhay pa rin tuwing kuwaresma

CAMARINES NORTE- Buhay na buhay pa rin ang tradisyon ng mga katoliko tuwing kuwaresma at semana santa at isa na nga rito ang pabasa ng pasyon.

Panata na ng maraming katoliko ang tradisyong ito mula noon hanggang sa makabagong panahon.

Hindi lang sa bahay ito ginagawa kundi maging sa iba’t- ibang opisina, pribado man o sa gobyerno.

Kahit nga sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay may ilan pa ring mga hindi nagpapigil sa kanilang panata.

Ngayong balik na sa normal ang pamumuhay ng marami ay malaya na ulit itong nagagawa ng mga deboto.

Marami pa nga sa mga ito ay naka-livestream  sa social media.

Para sa simbahan isa itong magandang tradisyon na marapat lamang maipagpatuloy at maipasa sa mga kabataan.

Ayon kay Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet, maraming mga pwedeng gawin ngayong semana santa na makakatulong sa paglago sa pananampalataya.

Maliban sa pabasa ng pasyon ay hinihikayat din ang mga katolikong makiisa sa iba pang religious activity tulad ng stations of the cross at bisita altares.

Higit rin umanong mahalaga kung ang mga ginagawang pagsasakripisyo tulad ng fasting and abstinence ay may kaakibat na pagtulong sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *