NATUKLASAN ng isang opisyal batay sa pag-aaral na sanhi umano ng ‘human error’ at ‘wrong signaling’ ang nangyaring train crash accident sa India nitong Hunyo ng kasalukuyang taon.
Nagsasaayos ng rail-road barrier ang mga manggagawa ng maganap ang aksidente at nagkaroon ng abirya sa signaling system. Batay sa ulat, ang pag-crash ng tren sa istasyon ng Bahanaga Bazar sa Odisha, India ay naging dahilan ng pagkamatay ng 288 katao at pagkasugat naman ng mahigit 1,000.
Ayon sa tagapagsiyasat ng Commission of Railway Safety (CRS), nangyari ang unang banggaan dahil umano sa pabago-bagong ginawa sa signaling circuit upang ayusin ang mga madalas na problema sa isang malapit na rail-road barrier.
Bukod pa dito, nalaman na walang standard circuit diagram ang mga lokal na kawani ng tren na humantong sa maling koneksyon sa ‘signaling system’ at nang subakan nilang kunin ang boom-barricade circuit na naka-offline para sa pagkumpuni nito.
Itinuturing na pinakamalalang train crash sa India ang aksidenteng ito sa loob ng dalawang dekada.### HARLIN LUMIBAO, INTERN