Transgender women pinayagang maglaro sa womens rugby sa France

Pinayagan ng French Rugby Federation (FRR) ang mga transgender women na makapaglaro sa womens rugby sa susunod nitong season.

Ito ay salungat naman sa inilabas na guidelines ng governing body ng naturang sports na World Rugby.

Noong nakaraang taon ng sabihin ng World Rugby na hindi dapat payagang lumahok ang mga trans women dahil hindi masisigurong magkakaroon ng ligtas at patas na laro para sa mga tunay na babae.

Nakasaad sa pahayag nito na “concluded that safety and fairness cannot presently be assured for women competing against trans women in contact rugby.”

Batay naman sa bagong panuntunan ng FRR papayagan lamang ang mga transwomen na makasali sa liga kapag makapagsumite ito ng patunay na sila ay dumaan sa hormonal treatment sa loob ng hindi baba ng 12 months at may testosterone threshold na hindi lalagpas ng 5 nanomole/liter.

Mariin naman na pinagbabawalan ang mga transgender na nasa transitioning stage pa lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *