Transition turn-over ng power distribution sa Albay, isasagawa mula ngayong araw

LEGAZPI CITY – Nakatakda nang isagawa mula ngayong araw ang pagturn-over ng power distribution sa buong Albay, kung saan pangangasiwaan na ito ng National Electrification Administration (NEA).

Sa anunsiyo mula sa pamahalaang panlalawigan, may tugon na ang APEC tungkol sa transition kung saan itutuloy na ito ngayong araw hanggang Disyembre 25.

Ayon kay Gov. Noel Rosal, mas mabuti na ito upang maging maayos ang turnover at marami pa ang kinakailangang ayusin.

Aniya, dumalo rin siya sa isang pulong kasama ang Bicol Electric Cooperative Association (BECA), kung saan sa ay tutulong din sa ilalim ng Task Force Kapatid program.

Magpapadala umano sila ng linemen at mga may alam pagdating sa collection system.

Kung babalikan, sa isinagawang special general membership assembly noong Setyembre 3 ay napagpasiyahang i-terminate na ang concession agreement ng APEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *