Transport group humiling ng dayalogo sa TNVS re: pagpasok nito sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Bukas para sa isang dayalogo sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) ang Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED).
Sa harap ito ng pagtutol ng grupo sa pagpasok ng TNVS sa lalawigan dahil maaari umano itong maging dagdag kumpetensya at makaapekto sa kanilang hanapbuhay.
Ayon kay SORINTRAFED President Ramon Dealca, paraan ang dayalogo upang mailahad nila ang kanilang panig at sabay na ring maipaliwanag ang kanilang apela at suhestyon.
Nais ng grupo na kung papapasukin ang kumpanya sa lalawigan ay mabigyan din sila ng tyansa na makapag apply sa pamamagitan ng bubuuing kooperatiba para kahit papaano ay makagaan sa pasaning dulot ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Base sa Memorandum Circular No.1 series of 2022 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Bicol, 50 slots para sa TNVS application ang nakalaan sa Sorsogon.
Pero kahapon pa nagtapos ang pagtanggap ng aplikasyon para rito base sa schedule na nakasaad sa memorandum.
Nakasaad din dito na mga residente ng probinsya ng Sorsogon ang unang kwalipikasyon sa mga aplikante.
Mababatid na nag-ugat ang usapin matapos na magpadala ng liham ang LTFRB-Bicol sa City-LGU na humihiling na mapayagan na makapasok sa lalawigan para makapamasada ang TNVS.###

Leave a Reply

Your email address will not be published.