Nagsulong ng petisyon ang mga transport groups na taasan ang pasahe sa mga traditional jeepney ng limang piso, sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ito ay isinulong ng Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), kung saan tataas ang minimum fare sa P17.
Bukod pa rito ang isinusulong na P2.80 na pagtaas para sa bawat kilometro.
Ngunit humihiling ang grupo na sana ipasa muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional fare hike, kung saan kasama ang mga modernong jeepneys sa taas-pasahe.