Transport Group umapela sa mga pasahero na makiisa sa ‘no vaxx, no ride’ policy

Nanawagan ang ilang transport group sa mga pasahero na makiisa sa ipinapatupad na ‘no vaxxed, no ride’ policy sa National Capital Region.

Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, noong nakaraang linggo pa nila pinaghandaan ang pagpapatupad ng naturang polisiya.

Aminado si Martin na hindi mga eksperto ang kanilang mga tsuper para matingnan kung peke ba o hindi ang mga vaccination cards na ipre-presenta ng mga pasahero.

Dahil dito umapela si Martin sa mga pasahero na huwag nang pilitin sumakay kung hindi pa bakunado laban sa COVID-19 upang makaiwas sa abala.

Nabatid na batay sa department order ng DOTr ang mga tsuper at operator ang pagmumultahin kung magpapasakay ng mga hindi pa bakunadong indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.