Transport Operators, nagbabala sa mas mababang bilang ng public utility vehicles

Nagbabala si Samahan Ng Mga Transport Operators Ng Pilipinas Managing Director Juliet de Jesus sa posibleng pagbaba ng bilang ng mga public utility vehicles (PUVs) sa bansa.

Kaugnay ito sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kung saan marami ng mga tsuper ang umaaray.

Inaasahan na tataas ang presyo ng diesel mula P1 hanggang P1.30 kada litro ngayong linggo habang ang gasolina naman ay papalo ng P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang dagdag.

Samantala, hiniling ni De Jesus sa pamahalaan na babaan o tanggalin ang excise tax sa petrolyo o ang taripa nito. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *