Traysikel drayber sa Nueva Vizcaya, patay sa aksidente

Binawian ng buhay ang isang traysikel driver matapos maaksidente sa Barangay Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya, kahapon, February 16, 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kinilala ng nasawi na si Roberto Peredo, 55-anyos at residente ng of Curifang, Solano, Nueva Vizcaya.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na sakay ni Roberto ang kaniyang motorsiklo sa pahilagang direksyon nang mabangga ang nakaparadang truck.

Dahil sa lakas ng pagkabangga ay nagtamo rin ng sugat ang drayber ng truck na kinilalang si Jupito Contorno na nasa loob ng sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Una rito ay isang concerned citizen ang nag-ulat sa PNP Bayombong hinggil sa nangyaring aksidente na agad naman nirespondehan.

Naidala pa ng mga rescuers sa pagamutan si Roberto ngunit idineklara itong dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Tiniyak naman ng PNP na magsasagawa ng interbensyon at measures ang kanilang hanay upang maiwasan ang kaparehong aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *