Treasurer, itinakas ang pera na para sa mga kawani ng isang Barangay sa Puerto Princesa

Kinumpirma ni Barangay Sta. Monica Kapitan Ronaldo “Mong” Sayang na itinakas ng kanilang Treasurer na si Venus Decena ang pera na para sana pang-incentives sa kanilang mga kawani sa barangay.

Aniya, nagkaroon sila ng transakyon nitong unang linggo ng Disyembre kasama ang mga incentives, mga bills at maging ang pangbayad sa ipinapagawang isolation building ay tinangay ni Mrs. Decena.

Nagtaka umano si Kapitan Sayang dahil noong nakaraang Lunes (December 12, 2022) ay hindi na ito nag-report sa barangay.

Nang makipag-ugnayan sila sa pamilya ay wala rin umanong impormasyon kung nasaan ito, dahil noong Sabado (December 10, 2022) ng umaga ay umalis sa kanilang bahay at hanggang ngayon ay wala na ring komunikasyon sa kanya.

Samantala, nagpasa na ng resolusyon ang Barangay para mapalitan ang kanilang treasurer at magsasampa rin sila ng pormal complaint.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *