Trend ng COVID-cases sa Naga City, bumababa

NAGA CITY- “Baka nalampasan ta na ang worst case kaining 3rd wave” , ito ang sinabi ni Mr. Willy Prilles ng City Planning and Development Office at Analytics Team.

Aniya sa kasagsagan ng surge umaabot sa 186% growth rate o tinamaan ng COVID-19, nitong nakalipas na dalawang linggo 11% na lamang.

Pagdating naman sa Average Daily Attract Rate mula Agosto ay umaabot sa 30% nitong nagdaang araw mababa na sa 29% o pababa na ang trend line. 52 ang average daily case nitong huling pitong araw, kailangan aniya laging mababa sa 50 upang patuloy na bumaba ang trend. Nitong nagdaang tatlong araw 77, 22 at 21 ang COVID cases.

Ngunit ayon kay Prilles, kung pumalo ulit sa 100 ang kaso posibleng mabago nanaman ang trend.

Samantala , kinuwesyon ni Public Safety Committee Chairman Coun. Lito Del Rosario ang pagtugon ng Health Emergency Response Task Force o HERTF kasama ang budget office kung bakit ang bilis mag lockdown sa mga bahay na may nagpositibo ngunit mabagal ang pag-abot sa kanila ng ayuda at bakit nakukulangan sa iba pang supply pang medical kung sinusunod ang analytics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *