Tribute, bumuhos sa manlalaro ng soccer na namatay sa pagsabog ng bomba sa Masbate

SORSOGON CITY – ‘’Thank you for sharing your brief moment on Earth with Malaya FC and bringing pride and inspiration to our lives.’’

Ang Malaya Football Club ay isang non-profit organization na tumutulong sa mga naghahangad na manlalaro ng football. Dagdag pa ng organisasyon, ‘’our hearts are broken as we bid farewell to another of our own.’’

Samantala, ang FEU Tamaraw community naman ay labis na nalungkot sa pagkamatay ni Keith Absalon na miyembro ng FEU men’s football team.

Ayon sa koponan, sinimulan umano ni Absalon ang kanyang paglalakbay sa football kasama ang FEU, sa edad na 13 taong gulang, 7th grader noong 2013 at naging isa sa pinakamahusay na manlalaro ng high school sa kasaysayan ng football sa UAAP.

Inilarawan ng mga ito si Absalon bilang ‘’tough on the field’’ subalit palangiti.

Si Absalon, 21-anyos kasama ang kanyang pinsan na si Nolven Absalon, 40-anyos ay nasawi nang sumabog ang isang anti-personnel landmine noong Linggo dakong alas 6:45 ng umaga sa Brgy Anas lungsod ng Masbate. Sugatan din ang menor-de-edad na anak ni Nolven.

Nagbibisikleta umano ang pamilya ni Absalon papuntang Brgy Titong nang sumabog ang bomba na itinanim sa nasabing lugar ng mga hinihinalang kasapi ng NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *