Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang riding in tandem ang isang tricycle driver sa Barangay 176, Caloocan.
Ayon kay barangay executive officer Rolly Cebu, alas siyete ng gabi noong Linggo, binabaybay ng biktima ang Phase 5 Package 3 road nang bigla na lamang itong pagbabarilin sa batok ng mga nasabing suspek.
Dagdag ng barangay executive officer, minsan nang nasangkot ang biktima sa iligal na droga.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang motibo sa pamamaslang. // SMM