Tricycle driver na kinatakutan ng isang babaeng pasahero, nagpaliwang sa Anti Crime Task Force

Nakausap at nagpaliwanag na sa Anti- Crime Task Force ang drayber ng tricycle na nasakyan ng isang babaeng pasahero na noo’y natakot umano sa ginawa nito.

Sa harap ni Anti-Crime task Force Director Richard C. Ligad ay sinabi ni ginoong Dado Dela Cruz na may mga dumadaang tao sa bahagi ng Abanico Rd. sa Barangay San Pedro nang siya’y huminto at maliwanag o may ilaw din ang paligid.

Nang huminto umano ito ay totoong may kinuha siya sa bulsa pero ito ay susi ng sasakyan. Idinagdag pa nito na bumaba siya ng tricycle para i-check ang sidewheel.

Binigyan diin ng drayber sa harap ni Director Ligad na wala siyang intensyong hindi maganda sa pasahero na noo’y papasok na sa trabaho noong Lunes pero dahil sa takot ay napatakbo.

Gayunpaman, pinayuhan ng opisyal ang driver na tumigil na sa pamamasada at magpahinga na lamang sa kabila ng kondisyon nito matapos ma-stroke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *