Tricycle driver, nabaril ng kapwa driver dahil sa alitan sa pasahero

CAMARINES SUR- Sugatan ang isang tricycle driver sa Bombon Camarines Sur matapos na barilin ng kapwa tricycle driver dahil umano sa hindi pagkaka-unawaan sa pasahero.

Sa ulat ng PNP Bombon sinabing nangyari ang pamamaril sa Brgy. San Roque kung saan nagsimula ang alitan ng biktimang si Angel Poledario, 41-anyos at ng suspek na si Tulong Che Mabana y Dela Vega, 48-anyos lahat ng Brgy. San Francisco, Bombon Camarines Sur sa agawan ng mga pasahero kung kaya dahil sa sobrang galit ay nabaril ng suspek ang biktima sa kanyang kaliwang kamay gamit ang isang kaliber 40 pistola.

Kaagad namang naitakbo sa pagamutan ang biktima samantang ang suspek naman ay nahuli ng PNP nang magsagawa ang mga ito ng hot pursuit operation.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na sa kasalukuyan ay nakapiit na sa Bombon MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *