Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin habang nagmamaneho sa kahabaan ng Maharlika Highway, Purok Happy Valley, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Linggo, Abril 30.
Kinilala ang biktima na si Randy ArguiƱoso Baldonado, 33-anyos, residente ng San Lorenzo Red V ng naturang barangay.
Ayon sa report, bandang alas 11:45 ng gabi, nagmamaneho noon ng tricycle ang biktima nang makailang beses itong pinagbabaril ng mga suspek na nagresulta sa agarang pagkamatay nito
Samantala, ang mga suspek ay pinaniniwalaang dalawang lalaki na nakalulan sa isang pink na motorsiklo na namataan noon habang tumatakas.
Kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.