Trilateral naval drill, isasagawa ng Japan, US, Australia sa WPS

Binabalak ng Japan, US, at Australia ang trilateral naval drill sa South China Sea.

Kaugnay rito, ipapadala ng Japan Maritime Self-Defense Force barkong ‘Izumo’ na kanilang binansagang ‘largest destroyer’; habang ang Royal Australian Navy ay gagamitin ang barkong Canberra at ang US Navy naman ay magde-deploy ng kanilang amphibious assault ships na tinatawag na America.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Ramualdez, posibleng sumama ang Australia at Japan sa isasagawang pagpapatrolya para tiyakin na may code of conduct at may kalayaan sa paglalayag sa naturang karagatan.

Samantala, Pilipinas kinansela ang pagsali sa aktibidad dahil malakai umano ang aircraft ng tatlong bansa para lumapag sa Philippine warship.

Mababatid na kinikilala ng Japan, Australia at US ang 2016 Hague [HAYG] ruling na pumapabor sa Pilipinas sa pagmamay-ari ng West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *