Trillanes, ‘guilty’ sa libel; Ex-senador, aapela

Hinatulan ng Makati court si dating Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa kasong libel dahil sa kanyang naging pahayag sa media laban kay dating Makati Mayor Junjun Binay.

Kaugnay nito, pinagbabayad ng Makati Regional Trial Court Branch 148 si Trillanes ng P100, 000 at P500, 000 para sa moral damages.

Ayon sa hatol ni Makati Judge Andres Soriano, may sapat na batayan ang reklamo ni Binay dahil sa mapanirang pahayag sa umano’y “justice for sale” o panunuhol sa mga mahistrado ng Court of Appeals, pero hindi naman napatunayan.

Matatandaan na inakusahan ng dating senador ang dalawang Court of Appeals (CA) justices na nasuhulan para itigil ang suspension order laban kay Binay.

Dagdag ni Soriano, naghain lang ng resolusyon si Trillanes para maimbestigahan si Binay, matapos na magbigay ng pahayag sa media.

Samantala, iaapela naman ni Trillanes ang desisyon laban sa kanya ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *