Inihain na ng Sheriff mula sa Branch 165 ng Regional Trial Court, Brooke’s Point ang Temporary Restraining Order sa Anti- mining group sa bayan ng Brookes Point.
Ang TRO ang nagpapatigil ng ginagawa nilang pagbabarikada o rally laban sa Ipilan Nickel Corporation.
Alas-kwatro impunto ngayong hapon nang dumating ang sheriff habang naroon ang mga namumuno ng mga tumututol sa mining operation sa hauling road ng INC.
Gayunpaman, hindi ito pormal na tinanggap ng grupo kaya hindi na rin nagkaroon ng mahabang dayalogo sa paghain ng nasabing kautusan.
Samantala, nanindigan ang mga raliyesta na mariin nilang tinututulan ang mining operation sa kabundukan ng Brookes point sa kabila ng kautusan ng korte na itigil ang kanilang protesta.