Trough ng TD Lannie, magbubuhos ng malakas na ulan sa NCR, W. Luzon – Pagasa

Magdadala ng malakas na ulan sa western section ng Luzon, kabilang na sa Metro Manila ang trough ng Tropical Depression Lannie, sa kabila na umalis na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Paliwanag ng Pagasa, ang trough ay ang “extension” ng “circulation” ni Lannie.

Ang nalalabing bahagi naman ng Luzon ay generally fair na ang panahon.

Sinabi ng weather bureau na kung may mga pag-ulan man ay saglit lamang ito dahil sa pamumuo ng thunderstorms.

Sa Visayas at Mindanao, fair weather rin ang aasahan ngayong araw, bagama’t may tsan ng pag-upan dahil sa localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *