Truck ban sa siffu steel bridge sa Roxas, Isabela, malaking tulong para maibsan ang traffic congestion

Malaking tulong umano ang idinulot ng pagpapatupad ng truck ban sa Siffu Steel Bridge sa bayan ng Roxas, Isabela upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Mayor Jonathan Jose Calderon, sinabi niya na naibsan ang traffic congestion papasok sa naturang tulay matapos ipatupad ang ordinansa na nagpapatupad ng truck ban sa nasabing tulay.

Magugunitang nasira ang Siffu Bridge sa pananalasa ng bagyong Rosita noong 2018 kaya’t pansamantalang ginawa ang steel bridge habang isinasagawa ang konstruksyon nito.

Ayon aniya sa naturang ordinansa, bawal dumaan ang truck na may 10 meters ang haba para sa mga patungo sa North bound o papuntang Cagayan.

Habang wala namang restriction ang mga patungo sa south bound subalit limitado hanggang 30 tons ang bigat ng pinapayagang dumaan sa siffu steel bridge at ipinapatupad lamang ito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Mahigpit ding na ipinatutupad ang “one-truct-at-time policy” at nilinaw din ng alkalde na pinapayagang makadaan ang mga essentials travel ng mga trucks para sa mga window hours.

Aniya, nagpaskil narin sila ng mga signages sa Santiago City palang para malaman ng mga bumibyahe ang kaugnay sa naturang panuntunan at sumusunod naman dito ang mga byahero.

Maari naman aniya silang dumaan muna sa detour ang Gamu-Roxas road o galing ng bayan ng Burgos paikot sa bayan ng Mallig.

May kaukulang penalty naman ang ipapataw sa sinumang lalabag ng naturang ordinansa kung saan sa   first offense ay 1000 pesos, 15000 para sa second offense at 2500 pesos sa third offense.

Ayon pa kay Mayor sa ngayon ay wala pa namang nahuhuling lumalabag sa nasabing panuntunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *