Truck na may kargang laterite, hinarang ng mga raliyesta na tutol sa pagmimina sa Brookes Point

Hinarang ng mga raliyesta ang isang truck ng Ipilan Nickel Corporation sa Barangay Maasin Brookes Point ngayong umaga ng Lunes.

Ayon kay Pastor Job Lagrada, karga umano ng truck ang sample ng laterite mula sa kabundukan kaya hinarang ito at hindi papayagan na basta- bastang makalabas.

Iginiit ng mga nag-rally na ang mamamayan ng Brookes Point ang nagmamay-ari ng mineral sa munisipyo kaya hindi dapat basta- bastang kunin ng walang permit na mining company.

Samantala, mananatili ang mga raliyesta sa harapan ng Ipilan Nickel Corporation hangga’t hindi umano sila nakakakuha ng malinaw na kagutugan o sagot sa DENR tungkol sa kanilang panawagan na ipahinto ang mining operation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *