Truck ng beer naaksidente sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nagkalat ang bubog , mga basag na bote ng beer sa San Fernando Camarines Sur kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay  PCMS Cristituto Cabral , imbestigador ng aksidente sinabi nito na base sa salaysay ng driver, papunta sa Legazpi ang truck mula sa Laguna  hindi nito napansin ang center island. Sabayan pa ng malakas na buhos ng ulan pasado alas-4 ng madaling araw kanina Enero 19, 2023.

Marami na ang naaksidente sa lugar ayon sa PNP.

Ligtas na ang driver, wala namang nadamay sa aksidente maliban sa mga ilang poste.

Nilinis naman kaagad ang lugar ng MDRRM , Bureau of Fire Protection, Barangay Council at PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *