Local News

Tsuper at helper na kasamang nasunog sa nagliyab na fuel tanker sa Nueva Vizacaya, nakilala na

Nakilala na ang tsuper at helper na kasamang nasunog nang lumiyab na fuel tanker matapos mahulog sa tulay sa Bagabag, Nueva Vizcaya noong gabi ng Linggo, September 12, 2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PMaj. Romeo Barnachae Jr., Chief of Police ng Bagabag Police Station, kinilala ang tsuper na si Filmor Timbuhan, nasa tamang edad at residente ng Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Habang ang helper nito ay nakilalang si Abner Dula at residente ng Reina Mercedes, Isabela.

Batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa isang survivor, nakaidlip umano ang tsuper dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela at mahulog sa naturang tulay na sanhi ng pagliyab nito at nasunog na umabot sa tatlong oras bago tuluyang naapula ang apoy.

Wala rin umano silang nakitang anumang marka sa daan na palatandaang nagpreno ang tsuper bago nahulog sa tulay kaya naman malaki ang paniniwala ng PNP na human error ang nangyari.

Sa ngayon ay naipagbigay-alam na rin sa pamilya ng mga biktima ang pagkasawi ng mga ito at naiuwi na ang kanilang mga bangkay.

Nakauwi na rin umano ang tatlong nasugatan na sakay ng naturang fuel tanker at nagkaroon na ng pag-uusap ang may-ari ng tanker at ang mga ito.

Paalala naman ni PMaj. Barnachae sa mga tsuper na pansamantalang tumigil muna kung inaantok upang hindi maidlip habang nagmamaneho at maiwasan ang ganitong pangyayari.

Photo. Ed Bartolome

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

21 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

21 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

21 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago