Tug boat na sakay ang 11 crew Covid-19 positive mulang Butuan City dumating na sa Albay

LEGAZPI-Kinumpirma ng Municipal Disater Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Sto Domingo na dumating na nga kaninang umaga ang tug boat na MV TUG Clyde and Barge Claudia na lulan ang 11 na crew na Covid-19 positive  sa karagatang sakop ng Barangay Lidong Sto Domingo Albay na mula butuan City.

Ayon kay Sto Domingo MDRRMO Head Engr. Edgar Balidoy, sa magdamag na pagbabantay ng Philippine Coast Guard Bicol at mga otoridad sa coastal areas ng nasabing barangay, namataan ito at kumpirmadong ito na ang nasabing Tug Boat.

Samantalang ayon naman kay Regional Director Claudio Yucot ng office of the Civil Defense Bicol, ayon sa report mula Phil Navy ang nasabing sea vessels ay dumating 4:45 kaninang umaga at nasa layong 4.7 nautical miles sa southeast ng nasabing barangay o isang kilometrong distansya mula sa nasabing port..

Maliban dito, mismong ang coast guard ang nagtungo dito.

Sinisiguro ng maritime security and monitoring team ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Albay na walang makakalapit na sasakyang pandagat dito at walang makakababa na crew, para ma-kontrol ang pagkalat ng nakakahawang virus.

Bahagi rin umano ng maritime security and monitoring team ang isang PCG medical officer para makapagbigay ng tulong medikal, kung kakailanganin ng mga tripulante.

Sa ngayon nagpapatuloy rin ang pagpupulong ng PCG at Office of Civil Defense (OCD) para maibigay ang pangangailangan ng towing vessel, MT CLYDE at barge, CLAUDIA nang hindi nakokompromiso ang kalusugan ng mga residente ng Albay.

Kung babalikan ang nasabing barko ay may kargang coal at may rutang Indonesia-Butuan city-Legazpi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *