Tulak ng droga, arestado sa drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Huli ang isang tulak ng droga sa operasyong ikinasa ng Philippine National Police (PNP) Bicol sa lunsod ng Legazpi.

Ang suspek, isang 32 anyos na indibidwal mula sa Purok 6 ng Brgy. Arimbay.

Sa report ng pulisya, inaresto ang suspek makaraan nitong pagbentahan ang pulis na nagpanggap ng buyer ng humigit-kumulang 5 grams ng pinaghihinalaang “shabu” na may tinatayang halaga na PHP34,000.

Kasalukuyan na itong nasa Legazpi CPS habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya na paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *