Tulak ng droga patay matapos umanong manlaban sa mga pulis

MERCEDES, CAMARINES NORTE- Patay ang isang tulak ng iligal na droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy bust operation Miyerkules ng madaling araw sa Purok 5, Brgy. Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa pulisya nagpanggap na poseur buyer ang isang miyembro ng operating team pero nakahalata umano ang suspek na si Carlo Villagarcia y Bello 31 anyos, residente ng Barangay Magang dito sa Daet na pulis ang kaniyang ka transaksyon.

Bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang pulis na sa kabutihang palad ay nakasuot ng “bullet proof vest”.

Gumanti raw ng putok ang pulis kaya’t nabaril ang suspek sa katawan na naging dahilan ng kamatayan nito.

Nagrequest umano ng ambulansya ang kapulisan sa MDRRMO para malapatan  ng agarang gamutan ang suspek pero namatay rin.

Sa naturang operasyon ay nakuha ang isang pakete na naglalaman ng 13 maliliit na pakete pa  ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P18,000, pera at isang kalibre 38 revolver na walang trademark at serial number na kargado ng tatlong bala at dalawang basyo.

Bago ito ay isa rin umanong tulak ng iligal na droga na nakilalang si Reniel Pacumbala mula naman sa Brgy. Mambungalon, Mercedes ang napatay sa buy bust operation na nangyari sa Brgy. Bibirao sa Daet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *