‘Tulak,’ patay nang manlaban; bomb expert ng NPA at dalawang iba pa, arestado sa entrapment operations sa Masbate

Isang pinaghihinalaang tulak ng droga ang napatay, makaraang makipagpalitan umano ng putok sa Pulisya sa isang buy bust operation, gabi noong Sabado, Marso 11 sa bayan ng Cataingan, Masbate.

Kinilala ng mga operatiba ang suspek na si Jose Januz Abas Francisco, 39-anyos, may asawa, empleyado ng LGU-Masbate City at naninirahan sa Brgy Nursery ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nanlaban umano ang suspek kaya napatay sa Cataingan Cemetery, Crossing 2, Brgy Poblacion ng nasabing bayan nang tangkaing arestuhin ng pulis matapos ang buy bust.

Nakabili umano ng shabu ang poseur buyer ng P20K halaga mula sa suspek.

Narekober dito ang baril na ginamit, marked money, isang maliit na sachet at isang medium size sachet ng hinihinalang shabu.

Wala namang naiulat na may sugatan sa hanay ng mga operatiba.

Samantala, bagsak sa kamay ng mga awtoridad ang umano’y eksperto sa paggawa ng bomba ng rebeldeng grupong NPA at dalawang kasamahan nito sa ikinasang entrapment operations ng mga awtoridad, hapon noong Biyernes, Marso 10 sa bayan ng Placer, Masbate.

Arestado sa Oplan Salikop at Oplan Paglalansag Omega sina Ranil Noynay Piveda, 43-anyos, electronic technician, at umano’y bomb expert ng Platun 1, L2, KP4 Masbate sa ilalim ng Jose Rapsing Command; Arnel Dorimon Piveda, 20-anyos, binata, estudyante at Eldie Balana Arcenal, 53-anmyos, street sweeper,  lahat residente ng Brgy Pasiagon ng nasabing bayan.

Narekober sa mga ito ang 13 piraso ng IED; isang kalibre 45 na pistol na kargado ng 5 bala.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegall possession of firerarm and ammunition at paglabag sa RA 9516 o possession of explosives.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *