Tulak umano ng shabu, huli sa buy bust

Kulong ang isang Mark Anthony Labitag Sevilla @Marco 33 anyos, isang online travel agent matapos mahuli ng pulisya ganap na 9:30 kagabi sa Abanico road, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, si Mark ay suspek sa pagpapakalat ng illegal drugs sa lungsod at siya’y nahuli sa drug buybust operation gabi ng Miyerkules, June 22, 2022.

Nakuha sa kanya ang isang sachet ng shabu na ibinenta umano nito halagang Php 2, 000.00 sa operatiba ng Police Station 1 Drug Enforcement Team sa koordinasyon ng PDEA Regional Office MIMAROPA.

Itinanggi umano ng suspek na sa kanya ang ebidensya nang malamang pulis pala ang ka-transaksyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *