Tulak umano ng shabu, patay sa buy bust operation sa Naga City

NAGA CITY- Patay ang tulak umano ng Shabu sa drug buy bust operation sa Naga City.

Sa ikinasang operasyon bandang alas 10:34 nitong Pebrero 1, 2023 sa Zone 4A, St. Claire, Concepcion Pequena, Naga City , nakabili ang operatiba ng hinihinalang shabu sa halagang P15K sa target na si  Angelo Fernandez y Galvez.

Sa report ng  Naga City Police Office nakasaad na nang dumating ang mga back-up operatives bumunot ng baril ang target , dinipensahan naman ng operatiba  tinamaan si Fernandez , pagdating ng mga rescuers wala nang pulso ang drug suspect.

Ayon kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng NCPO, kalibre 45 ang ginamit ng suspek, dalawang beses na kapagpaputok at narekober naman ang apat na live ammunition.  Sa pangkalahatan aabot sa 6 na sachet ang nakuha rito. Inaalam pa ng PNP kung ano pa ang status sa drug transaction.

Ayon naman kay Punong Barangay Wewen Regmalos, titinggan niya sa listahan kung kasama sa minominitor nila ang nasabing target.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *