Tulay sa Del Gallego, Camarines Sur, maipapatayo na matapos ang dalawang dekadang paghihintay

CAMARINES SUR- Maipapatayo na ang tulay na magkokonekta sa dalawang barangay  sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur makalipas ang dalawang dekadang paghihintay bago ito mapondohan. Noong Hulyo 1, 2024, pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony sa Barangay Kinalangan-Mansalaya para sa nasabing tulay.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Laurence Rojo, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Del Gallego na mahigit dalawang dekada nang nagrerequest ang lokal na pamahalaan ng bayan ngunit ngayon lang ito nagkaroon ng pondo. Sa kabila nito, malaki pa rin ang pasasalamat nito dahil anya’v sobrang hirap kapag umaapaw ang ilog lalo na kapag may bagyo. Hindi agad sila makahatid ng tulong sa mga residente dahil tanging ang mababang spillway lamang ang kumokonekta sa dalawang barangay, na hindi nadadaanan kapag umapaw na ang tubig.

Maliban sa pag-apaw ng tubig, maswerteng wala namang mga lugar sa bayan na prone sa flashfloods maging sa landslide ngunit tutok pa rin ang MDRRM sa paghahanda sa mga kalamidad lalo na ngayong rainy season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *