Nanawagan si Senator Raffy Tulfo sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na magbigay ng health coverage sa small-time bet collectors, o kilala bilang kabos o kubraderos.
Ginawa ni Tulfo ang panawagan kasabay ng pagpapahayag ng kanyang pagkabahala kaugnay sa naturang mga bet collectors na umano’y nakakaranas ng health complications at kakulangan ng health at insurance benefits.
Pero paliwanag ni PCSO Assistant General Manager Atty. Lauro Patiag, na sa ilalim ng implementing rules and regulations (IRR) ng PCSO, ang kabos ay hindi mga empleyado ng PCSO, sa halip sa authorized agent corporations o STL operators.
Giit naman ng chairman ng Senate committee on games and amusementBut, na bilang mga empleyado ng STL operators, ang small-time bet collectors at saklaw parin ng Philippine labor laws.
Dahil dito, hinimok ng senador ang PCSO na pilitin ang STL operators na sundin ang mga panuntunan ng Department of Labor and Employment at magbigay ng health benefits sa mga small-time bet collectors.
Kung ayaw po ng pcso sila nalang mangolekta ng mga pataya maghapon sa kalsada.