Tulfo, nais nang ipahinto sa gobyerno ang pagtulong sa mga OFWs na nahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga

Nais ni Sen. Raffy Tulfo na ihinto na ng gobyerno ang pagbibigay ng legal assitance sa mga overseas Filipino workers na nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa droga tulad ng trafficking.

Binuksan ito ni Tulfo sa pagtalakay kahapon ng Senate bill 1175 na humihikayat sa mga new-lawyer scholars na magbigay ng legal services sa mga OFWs.

Sinabi ng senador na sa halip na tumulong sa mga certified drug traffickers ay tumutok na lamang umano ang gobyerno sa pagtulong sa mga OFWs na walang kasalanan at inakusahan lang.

Hinimok rin nito ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs na i-refer na lang ang mga OFWs na nahaharap sa drug-related charges sa mga host country na nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga akusado.

Ngunit sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na dapat masusing pag-usapan ang panukala lalo na kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Aniya, karamihan sa mga kinakasuhan ay wala umanong kakayahan na kumuha ng abogado.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *