Tulfo; pinuna ang ‘malakas ang lobby’ ni Caunan

Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo ang kuwalipakasyon ng isang opisyal ng Department Migrant Workers (DMW) na sinasabing ‘malakas ang lobby’ sa Malacañang para maging susunod na pinuno ng ahensya kapalit ng pumanaw na si dating Sec. Maria Susan “Toots” Ople.

Ayon kay Sen. Tulfo, nakatanggap siya ng impormasyon na may supporter si Usec. Patricia Yvonne Caunan na nakatakdang mag-rally para isulong ang kanyang appointment bilang susunod na secretary ng DMW.

Sinabi pa ng senador na si Caunan ay abogado ng mga recruitment agency at tinanong niya ito kung kung alam ba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na abogado ito ng mga OFW.

Kinumpirma naman ni Caunan na nag-aabogado siya sa mga recruitment agency at abogado rin siya ng mga asosasyon ng OFW.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *