Tulfo, tinawag na ‘anti-poor’ ang pag-ban sa maliliit na fish vendors na magbenta ng imported salmon

Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo ang naging pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bawal ang pagbebenta ng salmon at pampano sa mga palengke sa ilalim ng Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195, na umiiral sa loob ng dalawang dekada na.

Mababatid na sinabi ng BFAR na ang naturang mga isda ay maari namang ma-consume sa mga hotels at restaurant.

Sa kanyang privilege speech sa sesyon sa plenaryo, binigyang diin ni Tulfo na parehong apektado ang parehong seller at consumers sa naturang sale ban.

Para sa senador, anti-poor ang naturang kautusan, dahil ang mga mayayaman na lang ang makakain ng naturang mga isda sa mga hotel at restaurant.

Pero para sa mga ordinaryo Pilipino na gusto kumain umano nito ay mga delata na lang ang pwede mabibili.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Tulfo kung anu ang basehan sa naturang aksyon ng BFAR.

Giit ng mambabatas, na sa ilalim ng FAO 195, papayagan ang pag-angkat ng isda at ibang fishery products, basta’t ito ay senertipikahan bilang “necessary” ng kalihim para maabot ang food security habang ikinokonsidera ang kapakanan at kaligtasan ng publiko, sa pakikipag-ugnayan sa National Fisheries and Aquatic Resources Management Council.

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *