Nangako ng tulong ang mga kaalyadong bansa ng Canada para labanan ang malawakang wildfires sa Quebec at iba pang probinsiya.
Nakarating na rin sa US ang makapal na usoka na nagresulta sa hazy at apocalyptic na kalangitan kung saan pinayuhan ng mga otoridad ang mga tao na huwag lumabas.

Mahigit 150 kagubatan ang kasalukuyang nasusunog sa Quebec, at halos 100 sa mga iyon ay itinuturing na out of control.
Sinisi naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang climate change sa nagaganap na wildfires.
Samantala, nagpasalamat naman si Trudeau kay US President Joe Biden sa tulong sa bansa para maapula wildfires.
Dumating din ang tulong mula sa South Africa, Australia, at New Zealand.
Ang France, Portugal at Spain ay nagpadala na rin ng mahigit 280 na bumbero sa Canada.//CA