Tulong sa community pantry para sa senior citizen ihatid sa bahay – DILG

Nakikiusap ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa community pantry organizers na maghanap ng paraan para mapuntahan ang mga senior citizens para di na sila lumabas at pumila pa.

Sa isang panayam, sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya na magagawa ito sa tulong ng barangay officials.

Aniya, kailangang mahanapan ng paraan na ang mga barangay nalang ang magbabahay-bahay para maiparating ang tulong.

Ginawa ni Malaya ang apela ilang araw matapos na masawi ang isang senior citizen na pumila sa community pantry sa Quezon City na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin makaraang mahimatay.

Humingi naman ng tawad ang aktres sa nangyari at sinabing isasarado na lamang nya ito at ido-donate ang mga nattirang mga produkto sa ibang pantries.

Sinabi ni Malaya na nag-isyu na ng dalawang guidelines si DILG Secretary Eduardo Ano para sa mga organizers, una-makipag-coordinate sa mga barangay officials at ang pangalawa ay tiyaking ang mga pipila sa pantry ay mga residente ng komunidad kung saan ito matatagpuan.

Dagdag ng opisyal, mas maganda kung ilimita sa mga kapitbahay at komunidad ang pantry para sa crowd control. Binigyang diin ni Malaya na kinikilala ng DILG ang community pantries bilang private voluntary initiatives.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *