Tulong sa mga labis na naapektuhan ng MECQ implementation sa Koronadal, pinasiguro

KORONADAL CITY — HANDA ang Koronadal City Social Welfare and Development Office o CSWDO ng lungsod sa pagbibigay ng tulong sa mga residenteng labis na naapektuhan ng implementasyon ng Modified Enhance Community Quarantine o MECQ.

Matatandaan na isinailalim sa MECQ simula Mayo 1 hanggang 14 ang Barangay Sta. Cruz at Barangay General Paulino Santos sa lungsod dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease o Covid-19.

Paliwanag ni CSWDO Officer Haydee Anunciado na makakatanggap ng food packs ang mga trabahanteng nahinto sa pagtatrabaho matapos pinasara ang mga commercial establishment na pinagtatrabahuan ng mga ito sa ilalim ng MECQ.

Nilinaw ni Anunciado na hindi lahat na mga residente ng nabanggit na mga barangay ang makakatanggap ng tulong dahil tuloy-tuloy naman umano ang economic activities at pagtatrabaho ng karamihan.

Pinasiguro naman ni Anunciado na may sapat na pondo ang city government sakaling kakailanganin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *