Tiniyak ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 ang tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng nagdaang super typhoon Egay.
Ito ay matapos ang isinagawang pagpupulong ng kagawaran kasama ang Disaster Risk Reduction Management Unit, Division Chiefs, Banner Program Focal Persons, Research Center and Experiment Station Managers, Agricultural Program Coordinating Officers at iba pang technical staff.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang agarang pag-aksyon at rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.
Kaugnay dito, pinamamadali ni DA OIC Regional Executive Director Dr. Rose Mary Aquinong balidasyon at pagsasapinal ng mga report.
Kabilang na dito ang koordinasyon sa bawat LGU upang matukoy ang mga partially at totally damage na mga palayan, maisan at iba pang apektado na sakop ng kagawaran.
Napagkasunduan ang agarang paghahatid ng seeds sa mga apektadong magsasaka na handang sumuporta sa food security ng ahensya.
Tututukan rin umano ang distribusyon ng tulong sa mga magsasaka sa Isabela at Cagayan na kailangang matapos na ngayong Agosto.