Tuloy-tuloy na suporta sa Supplementary Feeding Program, ibibigay ng DSWD Bicol para sa kalusugan ng mga bata

LEGAZPI CITY – Handang sumuporta ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Bicol para sa Supplementary Feeding Program (SFP) sa Albay upang mas maging malusog pa ang mga batang may problema sa timbang.

Ang SFP ay bahagi ng kontribusyon ng DSWD sa Early Childhood Care and Development (ECCD) program ng pamahalaan.

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) OIC Maria Vivien A. Cea, magtutuloy-tuloy ang kanilang suporta sa nasabing programa upang mas mabigyang-pansin pa ang kalusugan ng mga ito.

Aniya, binibigyan ng masusutansiyang pagkain ang mga batang malnourished o undernourished na may edad 3-4 na taong gulang na naka-enroll sa day care centers.

Katuwang din umano nila rito ang Provincial Veterinary Office dahil nagbigay sila ng fresh milk para sa mga bata. Samantala, susubaybayan umano ang mga bata sa loob ng 100 araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *