Ginahasa, pinagpasa-pasahan at pinag-tulungang halayin ng apat na lalaki ang isang lady chef sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose del Monte Bulacan.
Tatlo sa apat na suspek ang naaresto, kinilalang sina Celso Ceniza 29, Richard Pareรฑo 39, Almer Ancheta, 46.
Habang ang isang suspek ay kinilalang si Mark Anthony Baluyot, 40 alyas Macmac, na kumakandidatong Kapitan sa nasabing barangay.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Kitty 36, pauwi siya ng kanilang bahay nang harangin ito ng mga lalaking nag-iinuman sa isang garahe ng truck.
Sabi pa ni Kitty, pinatagay siya ng 2 baso ng alak, at makalipas ng ilang sandali, nakaramdam siya ng pagkahilo, dahilan para dalhin siya sa barracks ng mga driver at helper at ang unang gumahasa sa kaniya ay si Baluyot.
Nagsampa na ng reklamo ang mag-ina sa pulisya, habang nakatakas si Baluyot at umaareglo sa mag-ina ang pamilya nito sa halagang P1 milyon, na hindi pinapansin dahil desididong ituloy ng biktima ang kasong rape.