Aminado si Jeff Tumbado na wala siyang ebidensya kaugnay sa kanyang alegasyon ng korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB).
Tinanong ni Parañaque City Rep. Gus Tambunting si Tumabado kung may pruweba ba ito kaugnay sa umanoy kurapsyon sa LTFRB.
Sagot naman ni Tumbado na wala siyang ebidensya at tanging opinion lamang iyon.
Ayon kay Tumbado ang kanyang mga pahayag ay base sa mga reklamo na kanyang narinig mula sa mga transport operator na dismayado sa pamamlakad ng LTFRB.