TUPAD pay-out in-charge nagpaliwanag sa dahilan kung bakit hindi sabay sabay ang pay-out ng programa sa lungsod

SORSOGON CITY – Aminado si Department of Labor and Employment (DOLE) -TUPAD  Payout In-charge Elsie Toca na talagang hindi sabay-sabay ang pay-out para sa mga benipisyaryo ng programa sa lungsod ng Sorsogon.

Sa pahayag ng opisyal sinabi nito na dahil masyadong malawak ang syudad at marami ang DOLE-Tupad benificiaries kung kaya nagkaroon sila ng prioritization sa pagpapasahod sa mga ito. Aniya, ang mga barangay na naunang nakapagsumite ng kanilang mga requirements ay siya ring naunang nakatatanggap ng pay-out.

Kaugnay nito hinikayat ng opisyal ang mga barangay na hindi pa natatanggap ang pay-out mula sa DOLE-Tupad na kumpletuhin na ang kanilang mga requirements upang kanila na itong magawan ng payroll at agad na maproseso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *