Unti-unti nang nakaka bawi ang turismo sa Gitnang Luzon.
Ayon sa Department of Tourism Region 3, merong 64% increase sa bilang ng tourist arrival sa rehiyon sa unang semestre ng taong 2022 kumpara sa 1st semester noong 2021.
Katumbas ito ng 1, 262, 030 tourist arrival.
Kabilang ang Subic at Clark freeport zone sa mga nakapag tala ng pinaka maraming tourist arrival, gayundin ang Pampanga, Zambales at Bataan.
May ilang trend naman ng activity na umusbong sa rehiyon tulad ng cycling, yachting at yacht sailing, gayundin ang glamping sa mga wide at open spaces.
Sa ngayon tuloy-tuloy ang DOT sa pagbuo ng mga bagong programa at aktibidad na makaka hakot ng mga turista.